PAGASA: LPA sa Mindanao, hindi magiging bagyo sa 24 oras
Patuloy ang paglapit sa Philippine Area of Responsibility (PAR) ang low pressure area (LPA) na nasa bahagi ng Mindanao.
Pero sinabi ng PAGASA na malamang na hindi maging bagyo ang LPA sa susunod na 24 oras.
Sa PAGASA update, Lunes ng hapon, huling namataan ang LPA sa layong 2,840 kilometro east southeast ng Mindanao.
Pero sinabi ni weather specialist Ariel Rojas na habang nasa labas ng PAR ang LPA ay nag-iipon ito ng lakas at pwede pa ring maging bagyo.
Nasa gitna pa anoya ito ng kagaratan kaya may oras pa itong mag-accumulate ng moisture na magpapalakas dito para mag-develop na tropical depression.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.