DFA, PCOO pinagpapaliwanag ng Malakanyang sa passport data breach

By Chona Yu January 14, 2019 - 07:41 PM

Padadalhan na ng sulat ng Palasyo ng Malakanyang ang Department of Foreign Affairs (DFA) at Presidential Communications Operations Office (PCOO) at ang kumpanyang United Graphic Expression Corporation (UGEC) na kinuha ng APO Production Unit Incorporated para sa printing electronic passport.

Ayon kay Presidential spokesman Salvador Panelo, ito ay para pagpaliwanagin ang tatlo kaugnay sa passport data breach.

Dagdag ng kalihim, mismong ang kanyang tanggapan ang magpapadala ng sulat sa tatlo.

Nais kasi aniya malaman ng Palasyo kung totoong natangay ng kontraktor ang maseselang impormasyon ng mga Filipino.

Ayon kay Panelo, may gagawin ding imbestigasyon ang kanyang opisina.

Dapat din aniyang magkaroon ng internal investigation ang DFA.

Kapag aniya natapos na ang imbestigasyon, maglalabas ang pamahalaan ng kumpletong konklusyon o findings sa naturang usapin.

“We will make a definitive conclusion or findings once those documents are submitted to us,” ani Panelo.

Sa ngayon kasi ayon kay Panelo, puro espekulasyon pa lamang na tinangay ng French company ang data ng mga Filipino.

TAGS: DFA, Palasyo ng Malakanyang, pcoo, Sec. Salvador Panelo, UGEC, DFA, Palasyo ng Malakanyang, pcoo, Sec. Salvador Panelo, UGEC

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.