Governor Generoso, Davao Oriental niyanig ng magnitude 4.1 na lindol

Phivolcs photo

Tumama ang magnitude 4.1 na lindol sa Davao Oriental, Lunes ng hapon.

Batay sa impormasyon ng Phivolcs, naitala ang episentro ng lindol sa layong 175 kilometers Southeast ng Governor Generoso dakong 4:50 ng hapon.

May lalim itong 2 kilometers at tectonic ang origin.

Gayunman, walang naitalang pinsala sa mga ari-arian sa lalawigan.

Wala ring inaasahang aftershocks matapos ang pagyanig.

Read more...