DPWH iginiit na walang pondo na inilaan sa Casiguran, Sorsogon
Walang inilaan na budget para sa infrastructure project ang Department of Public Works and Highways (DPWH) para sa munisipalidad ng Casiguran, Sorsogon.
Ito ang iginiit ng DPWH, taliwas sa ibinunyag ni House Majority Leader Rolando Andaya na nabigyan ng malaking bahagi sa umano’y P51 bilyong “insertions” ang munisipalidad ng Casiguran, Sorsogon.
Sa dokumento, nitong nakaraan taon, sa mga lalawigan sa Bicol, ang Albay ang may pinakamalaking alokasyon na nasa P11.2 bilyon na taliwas sa sinabi ni Andaya na mas pinaboran ni Budget chief Benjamin Diokno ang lalawigan ng Sorsogon.
Sng Sorsogon ay ikalawa lamang sa nabigyan ng alokasyon na P10.5 bilyon, Camarines Sur sa P10.2 bilyon, Masbate ay binigyan ng P4.5 bilyon, Camarines Norte P3.3 bilyon, at Catanduanes sa P2.5 bilyon.
Magugunita na sa ginanap na “Question Hour” sa Congress, inakusahan ni Andaya si Diokno na pinaburan ang dahil sa personal ties nito kay Mayor Edwin Hamor at kay Sorsogon Vice Gov. Ester Hamor.
Iginiit ni Diokno na mali ang ginamit na basehan ni Andaya at mistula itong nag-iilusyon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.