Truck driver, patay sa aksidente sa Valenzuela

FB Photo John Oliver S. Magat

Patay ang isang truck driver matapos bumangga sa isa pang truck na may dalang mga punong kahoy sa Valenzuela, Lunes ng umaga.

Ayon sa Valenzuela City Police, binabagtas ni Ronald Hular, 38-anyos, sakay ng Isuzu Elf truck sa McArthur Highway, Barangay Karuhatan nang mangyari ang aksidente.

Batay sa mga imbestigador, parehong nasa bahagi ng northbound lane ang dalawang truck nang mangyari ang aksidente.

Lumusot ang isang punong kahoy sa windshield ng sasakyan dahilan para matamaan ang ulo ng biktima.

Nakilala naman ang drayber ng truck na may dalang punong kahoy na si Dickson Libante, 39-anyos.

Sinabi ni Supt. David Nicholas sa Inquirer.net na patuloy ang isinasagawang imbestigasyon sa aksidente.

Sinabi ng pulisya na mahaharap si Libante sa kasong reckless imprudence resulting in homicide at damage to property.

Read more...