Kongreso, itinuro ng Malakanyang sa pagkaantala ng salary increase sa gov’t workers

By Chona Yu January 14, 2019 - 04:45 PM

Ibinalik ng Palasyo ng Malakanyang sa Kongreso ang sisi sa pagkaantala sa umento sa sahod ng mga manggagawa sa gobyerno ngayong taon.

Pahayag ito ng Palasyo sa inihaing mandamus ni House Majority Leader Rolando Andaya sa Korte Suprema para mapilitan si Budget Secretary Benjamin Diokno na ibigay ang ikaapat na tranch ng salary standardization law sa mga manggagawa sa gobyeno.

Ayon kay Presidential spokesman Salvador Panelo, ang Kongreso at hindi ang Ehekutibo ang nang-hohostage sa salary increase dahil sa kabiguan ng mga mambbabatas na ipasa ang 2019 national budget.

Ipinagtanggol pa ni Panelo si Diokno sa paninisi ng Kongreso na ang kalihim ang dapat na iturong salarin kung kaya hindi maibibigay ngayong unang quarter ng taon ang salary increase.

Ayon kay Panelo, malinaw na walang mapagkukunan ng pondo ang gobyerno ngayon dahil sa reenacted budget.

“The one holding hostage would be Congress, not the executive department,” pahayag ni Panelo.

Sa ngayon, sinabi ni Panelo na hahayaan na muna ng Malakanyang na gumulong ang kaso pati na si Diokno na tumugon sa akusasyon dahil may nakasampa nang mandamus sa Kataas-taasang Hukuman.

Magiging sub judice na aniya kung makikialam pa ang Malakanyang sa naturang usapin.

“Since there is already a mandamus petition before the court, it becomes sub judice, we will let the court decide on it. It will necessarily ask the respondent (Sec.) Ben Diokno to respond and then when the issues meet, they will resolve,” ani Panelo.

TAGS: 2019 national budget, Congress, government workers, salary increase, Sec. Benjamin Diokno, Sec. Salvador Panelo, 2019 national budget, Congress, government workers, salary increase, Sec. Benjamin Diokno, Sec. Salvador Panelo

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.