Solomon Islands niyanig ng magnitude 7 na lindol
By Dona Dominguez-Cargullo November 19, 2015 - 07:55 AM
Niyanig ng malakas na lindol ang Solomon Islands kaninang alas 2:31 ng madaling araw.
Ang pagyanig ay naitala sa 80 kilometers mula sa Dadali sa Pacific Solomon Islands.
May lalim na 10 kilometers ang pagyanig ayon sUS Geological Survey.
Ayon naman sa Pacific Tsunami Warning Center, walang inaasahang tsunami na tatama sa lugar matapos ang lindol.
Pinawi rin ang pangamba na magkakaroon ng tsunami sa Hawaii.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.