Panukalang 2019 budget, maipapasa ng Kamara sa pagbabalik ng sesyon – Speaker GMA

Siniguro ni House Speaker Gloria Macapagal-Arroyo na ipapasa nila ang panukalang P3.757 2019 national budget sa muling pagbubukas ng sesyon ng Kongreso.

Ayon kay Arroyo, kinukonsulta na ng kanyang mga lider ang mga senador at hinihintay na rin lamang nila para aprubahan sa Senado ang national budget na nakabinbin pa sa plenaryo.

Sa kabila nito, pinapaubaya pa rin umano nila sa mga senador na gumawa ng kanilang sariling timetable at hindi nila maaring awayin ang kanilang counterpart para lamang maipasa ang panukala sa kabila ng kontrobersyal na P75 bilyon na umano’y insertions ni Budget Secretary Benjamin Diokno.

Bukod dito, tutukan din umano ni Speaker Arroyo ang oversight function ng Mababang Kapulungan ng Kongreso sa pamamagitan ng pagsuri sa performance ng iba’t ibang ahensiya ng gobyerno sa implementasyon ng mga batas at priority programs ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ito ay dahil natapos na umano nila ang legislative agenda ni Pangulong Duterte na sinabi niya noong SONA kaya ngayon ay maglalaan sila ng oras sa oversight dahil mayroong magagandang batas na hindi naipapatupad.

Hiniling din niya sa Department of Public Works and Highways (DPWH) na i-assess ang road right of ways (RROWs) ng iba’t ibang road projects ng gobyerno.

Read more...