Sen. Trillanes, baliw – Malakanyang

By Chona Yu January 14, 2019 - 02:44 PM

Binweltahan ng Palasyo ng Malakanyang ang banat ni Senador Antonio Trillanes IV na baliw si Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay Presidential spokesman Salvador Panelo, ang tinutukoy ni Trillanes na baliw ay ang kanyang sarili.

Sampal din aniya kay Trillanes ang panibagong survey ng Pulse Asia noong December 2018 na 81 porsyento sa mga Filipino ang bilib sa performance ng pangulo habang 76 porsyento ang nagtitiwala sa punong ehekutibo.

Binatikos pa ni Panelo ang pahayag ni Trillanes na hindi takot na bumalik sa kulungan dahil sa kinakaharap na kasong kriminal.

Ayon kay Panelo, buladas lamang ito ni Trillanes dahil ang totoo, takot ang senador na makulong muli.

Apela pa ng Malakanyang sa mga kritiko ng administrasyon lalo’t nalalapit na ang eleksyon, maglatag ng masiglang debate at produktibong mga plataporma na magiging kapaki-pakinabang sa taong bayan.

TAGS: Pangulong Duterte, Sec. Salvador Panelo, sen antonio trillanes iv, Pangulong Duterte, Sec. Salvador Panelo, sen antonio trillanes iv

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.