Necrological service para kay Rep. Batocabe isinagawa sa Kamara
Napuno ng emosyon ang necrological service na ibinigay ng Kamara para sa pinaslang na si Ako Bicol Rep. Rodel Batocabe.
Sinimulan ang final tribute kay Batocabe sa pamamagitan ng isang misa sa plenaryo na dinaluhan ng asawa nito na si Girtie at dalawa nitong anak na sina Attorney Justin at Khiel.
Nabigyan ng pagkakataon ang mga kongresista pati na ang mga staff na mag-alay ng bulaklak at makiramay sa pamilya ng pinaslang na mambabatas.
Inawit rin ang isa sa mga paboritong kanta ni Batocabe na “What a Wonderful World” na nagpaiyak nang husto sa kanyang maybahay.
Kabilang sa mga nagbigay ng eulogy ang dating kaklase ni Batocabe na si Atty. John Reyes at dito ay inalala niya ang pagiging komedyante, masayahin at mababang-loob nito mula noon hanggang sa maging ganap na congressman.
Nagsalita rin si retired Associate Justice Vicente Mendoza na dating propesor sa law school ng mambabatas, Minority Leader Danilo Suarez, Rep. Michael Rivera, at House Speaker Gloria Macapagal-Arroyo.
Si Batocabe ay tatlong termimo na nagsilbi sa Kamara kung saan kabilang sa isinulong niya ay ang Philhealth coverage sa PWDs, libreng edukasyon at expanded anti-sexual harassment sa mga kababaihan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.