20 miyembro ng komunistang grupong New People’s Army sumuko sa Laguna
Sumuko sa Philippine National Police (PNP) ang aabot sa 20 miyembro ng New People’s Army (NPA) sa Kalayaan, Laguna.
Ayon kay PNP chief Dir. Gen. Oscar Albayalde, ang iba sa mga sumukong rebelde ay pawang miyembro ng indigenous people sa lugar.
Sa kanilang pagsuko, isinuko din ng mga rebelde ang 12 matataas na kalibre ng baril at iba pang armas.
Tiniyak naman ni Albayalde na makatatanggap ng tulong ang mga sumukong rebelde sa ilalim ng Enhanced Comprehensive Localized Integration Program (E-CLIP) ng Task Force Balik-Loob ng pamahalaan.
Ayon naman kay CALABARZON Police Regional Director Edward Carranza pawang mga Dumagat ang ilan sa mga sumukong miyembro ng NPA.
Ang isa sa kanila, umaming sangkot sa pananambang sa isang SAF personel sa Antipolo noong 2010, pananambang sa isa ring SAF noong 2011 sa Quezon at engkwentro sa mga sundalo sa lalawigan rin ng Quezon.
Ang mga Dumagat ay ni-recruit umano ng NPA mula 1997 hanggang 2016.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.