U.S. pinaka-pinagkakatiwalaang bansa ng mga Filipino – Pulse Asia

By Dona Dominguez-Cargullo January 14, 2019 - 09:59 AM

File Photo

Ang Estados Unidos ang pinaka-pinagkakatiwalaang bansa ng mga Filipino base sa latest Pulase Asia Survey.

Sa survey na isinagawa mula Dec. 14 hanggang 21, lumitaw na 84 percent ng mga Pinoy ang nagtitiwala sa United States.

Sa kabila naman ng pakikipagkaibigan ni Pangulong Rodrigo Duterte sa China, lumitaw na 60 percent ng mga Filipino ang hindi nagtitiwala sa China.

Nasa 54 percent naman ang nagsabi na maliit lang o ‘di kaya ay hindi sila nagtitiwala sa Russia.

Maliban sa US, marami ring Pinoy ang nagsabing nagtitiwala sila sa Japan (75 percent), Great Britain (57 percent), ASEAN (82 percent) at APEC (80 percent).

TAGS: Pulse Asia Survey, Radyo Inquirer, US, Pulse Asia Survey, Radyo Inquirer, US

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.