2 sugatan sa pamamaril sa isang mall sa Utah

By Dona Dominguez-Cargullo January 14, 2019 - 09:43 AM

AP Photo

Dalawa ang sugatan sa insidente ng pamamaril sa labas ng isang mall sa Utah.

Naganap ang pamamaril malapit sa entrance ng Fashio Place mall sa Murray, Utah, kung saan isang lalaki ang kritikal ang kondisyon habang hindi rin maayos ang lagay ng isang babaeng sugatan.

Tatlong suspek ang pinaghahanap ngayon ng pulisya na maaring pawang miyembro ng isang gang.

Nagdulot ng panic sa mga shoppers ang nasabing insidente na agad inasistihan palabas ng mall.

TAGS: ap, mall, Radyo Inquirer, utah, ap, mall, Radyo Inquirer, utah

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.