Miss Universe franchise hawak na ni Chavit Singson

By Dona Dominguez-Cargullo January 14, 2019 - 08:22 AM

Kinumpirma ni dating Governor Luis Chavit Singson na nasa kaniya na ang prangkisa ng Miss Universe.

Sa isang panayam, sinabi ni Singson na totoo ang mga napabalitang hawak na niya ang Miss Universe franchise pero hindi pa ito agad inanunsyo.

Ngayong buwan aniya o ‘di kaya ay sa Pebrero pormal na iaanunsyo ang pagkakakuha niya sa prangkisa.

Ito ay kasabay ng pagbabalik sa bansa ni Catriona Gray para sa pormal na homecoming.

Kapag naisapormal na, ang “Binibining Pilipinas Universe” ay papalitan na at magiging “Miss Universe Philippines” na.

Simula pa noong 1964, ang Binibining Pilipinas Charities Inc. ang may hawak ng Miss Universe franchise.

TAGS: Chavit Singson, miss universe, Chavit Singson, miss universe

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.