Passport data breach pinaiimbestigahan na ng Malakanayang sa NPC

By Chona Yu January 14, 2019 - 07:55 AM

Inatasan na ng Malakanyang ang National Privacy Commission (NPC) na magsagawa ng malalimang imbestigasyon kaignay sa nangyaring passport data breach sa department of foriegn affairs.

Ayon kay presidential spokesman salvador panelo, seryosong bagay ang nangyaring passport data breach at hiindi dapat na ipagkibit-balikat lamang.

Pinabubusisi rin ng Palasyo sa NPC kung may nalabag sa mga probisyon ng Republic Act No. 10173 o mas kilala bilang Data Privacy Act of 2012.

Pinasisiyasat din ng Malakanyang sa isasagawang imbestigasayon ang proseso sa printing ng mga passports upang malaman kung may mga batas ding nilabag na naglalagay sa alanganin sa publiko.

Hindi na rin aniya kailangan ng mga aplikante ng passport renewal na magsumite ng original
Copy ng certificate of live birth mula sa Philippine Statistics Authority (PSA).

Ayon kay Panelo, dagdag parusa lamang kasi ito sa mga aplikante

Sapat na aniya ang pag presenta ng lumang passport para maiwasan ang red tape na isa sa mga ayaw ng kasalukuyang administrasyon.

Dagdag ni Panelo kaisa ang Palasyo sa mga Filipino na naghahangad ng katotohanan sa insidente.

TAGS: data breach, passport, Radyo Inquirer, data breach, passport, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.