Pagbabalik ng mga basura sa South Korea nararapat lang – EcoWaste Coalition
Nanindigan ang environmental group na EcoWaste Coalition na tama lamang ang ginawang pagbabalik sa mga basurang galing sa South Korea na iligal na ipinuslit sa bansa.
Sa ceremonial re-exportation ng unang batch ng mga basura kahapon, nagpadala ang EcoWaste ng 15 miyembro para personal na saksihan ang pagbabalik ng mga ito sa SoKor.
Bitbit ng delegasyon ang mga placards na may nakalagay na ‘stop exporting garbage to the Philippines’.
Mayroon ding mga placards na nagsasabing hindi tapunan ng Korean wastes ang Pilipinas.
Ang mga placards na ito ay nakasalin din sa wikang Koreano.
Sa pahayag ni Aileen Lucero, national coordinator ng EcoWaste Coalition, iginiit nito na ang pagpupumilit ng bansa na maibalik ang mga basura ay patunay lamang nang kagustuhang maprotektahan ang kalikasan sa posibleng masamang epekto ng waste trafficking.
Ang pagprotesta anya sa pagtatapon ng Korea ng kanilang mga basura dito sa bansa ay pagpigil para nakawin ang dignidad at soberanya ng Pilipinas, pagpigil sa pagsasawalang-bahala sa national at international laws, at pagpigil sa masamang epekto ng mga ito sa komunidad.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.