Sumiklab ang sunog sa isang public market sa Barangay Paliwas, Obando, Bulacan Linggo ng gabi.
Ayon sa Bureau of Fire Protection, nagsimula ang sunog alas-10:14 ng gabi.
Makalipas ang halos 20 minuto o alas-10:33 ay agad itong itinaas sa ikatlong alarma.
Idineklara namang fire under control ang sunog alas-11:48.
Patuloy na inaalam ang sanhi ng sunog at ang pinsala nito sa mga ari-arian.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.