Ika-100 taon ng Philippine Cinema, ipagdiriwang sa Setyembre
Ngayong 2019 ipagdiriwang ang ika-100 taon ng pelikulang Pilipino.
Dahil dito ay magiging pasabog ang mga programa ng Film Development Council of the Philippines (FDCP) para sa selebrasyon ng sentenaryo ng Philippine Cinema.
Ayon kay FDCP Chairperson Liza Diño, ang ikatlong taon ng Pista ng Pelikulang Pilipino o PPP na flagship program ng ahensya ay ilulunsad sa Setyembre 11 hanggang 17 imbes na sa Agosto.
Ito na ang pinaka-opisyal na selebrasyon ng ika-100 taon ng local movie industry.
Matatandaang ang ‘Dalagang Bukid’ sa ilalim ng direksyon ni Jose Nepomuceno ang itinuturing na unang pelikulang Pilipino at naipalabas eksaktong Setyembre 12, 1919.
Kasabay nito, magkakaroon din anya ng mga programa para sa mga gustong magproduce ng pelikula tulad ng libreng training.
Noong November 2018, nilagdaan ng pangulo ang Proclamation No. 622 na nagdedeklarang ang Setyembre 12, 2019 hanggang Setyembre 11, 2020 ay ang Centennial Year ng Philippine Cinema.
Sinabi rin sa proklamasyon na ang FDCP ang ahensya na mamumuno para sa mga aktibidad at selebrasyon para sa espesyal na taong ito.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.