2 checkpoints inilatag sa Makati City para sa Comelec gun ban
Bilang pagtalima sa kautusan ng Comelec ay naglatag ng dalawang checkpoints ang pulisya sa Makati City.
Sa pangunguna ni Makati City Police S/Supt. Rogelio Simon, ang dalawang checkpoints ay binuo sa Pasong Tirad, Kalayaan Avenue, Barangay Guadalupe Nuevo at Sampaguita St., Barangay Pembo.
Sa checkpoint sa Barangay Pembo, isang lalaking sakay ng motorsiklo ang naaresto dahil sa iligal na droga.
Inihahanda na ang kasong isasampa laban sa lalaki.
Layon ng checkpoints na epektibong mapatupad ang gun ban.
Gayunman, sa isang press briefing kahapon, sinabi ni NCRPO Chief Guillermo Eleazar na makatutulong din ito sa pagsugpo sa mga krimen.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.