Mga Pinoy hindi nadamay sa pagsabog sa Paris – DFA

By Rhommel Balasbas January 14, 2019 - 12:42 AM

Walang Filipino na nadamay sa pagsabog sa isang bakery sa Paris, France nitong Sabado ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA).

Ayon sa pahayag na inilabas ng DFA araw ng Linggo, sinabi ng French Ministry of Foreign Affairs na walang Filipino na kabilang sa tatlong nasawi o maging sa halos 50 nasugatan dahil sa pagsabog.

Isang gas leak ang itinuturong dahilan ng naturang pagsabog na nagresulta sa pagkabasag ng mga bintana at maging pagbaliktad ng mga kotse.

Samantala, nagpahayag ng pakikiramay ang Philippine Embassy sa Paris para sa mga pamilya ng mga biktima.

Nasa 25,000 Filipino ang kasalukuyang nasa France kung saan karamihan ay naninirahan sa Paris ayon sa DFA.

TAGS: Department of Foreign Affairs, gas leak, Paris explosion, Department of Foreign Affairs, gas leak, Paris explosion

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.