Bilang ng mga bumisitang turista sa Japan sa 2018, tumaas ng halos 8%
Pumalo sa 31.19 milyon ang bilang ng mga turistang bumisita sa Japan sa taong 2018.
Ayon kay Land, Infrastruction, Transport and Tourism Minister Keiichi Ishii, mas mataas ito ng 8.7 porsyento kumpara sa naitalang turista noong 2017.
2.5 na milyon ang nadagdag sa huling record noong 2017.
Ilan sa mga dahilan nito ay ang karagdagang air routes at maluwag na requirements sa visa kung saan ipinatupad karamihan sa ilang bansa sa Asya.
Samantala, bumaba nang bahagya ang bilang ng mga turista noong buwan ng Setyembre bunsod ng mga tumamang kalamidad sa bansa.
Gayunman, nahinto ito at muling dumami ang mga turista sa Japan.
Simula taong 2013 na may 10 milyong turista, patuloy ang pagtaas ng turismo sa naturang bansa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.