PNP, nagpaalala sa mga karapatan ng motorista sa mga checkpoint

By Angellic Jordan January 13, 2019 - 06:58 PM

Nagpaalala ang Philippine National Police (PNP) sa publiko ukol sa kanilang karapatan pagdating sa mga police checkpoint.

Sa isang panayam, sinabi ni PNP spokesman, Chief Supt. Benigno Durana na magsasagawa lamang ng visual search ang mga pulis sa mga checkpoint.

Hindi aniya maaaring kapkapan ng mga pulis ang drayber o pasahero.

Hindi rin kailangang lumabas ng sasakyan o buksan ang truck at compartment.

Magsasagawa lang aniya ng physical inspection sakaling madiskubre ng mga pulis ang anumang kontrabando sa loob ng sasakyan.

Sinumang mahulihan ng mga pampasabog, armas, matatalim na bahay at ilegal na droga sa mga checkpoint ay isasailalim sa imbestigasyon at posible ring maaresto.

Umarangkada ang national checkpoint operations para sa pagsisimula ng election period sa May 2019 elections.

TAGS: checkpoint, May 2019 elections, PNP, checkpoint, May 2019 elections, PNP

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.