2 apartment sa QC, nasunog

Tinupok ng apoy ang dalawang apartment unit sa Quezon City, Linggo ng umaga.

Ayon kay Senior. Fire Officer 4 Joseph Gatchalian, sumiklab ang sunog sa bahagi ng Maginoo Street sa Barangay Central bandang 11:00 ng umaga.

Agad nakaresponde ang mga bumbero sa lugar kung kaya’t hindi kumalat ang sunog.

Umabot lamang ang sunog sa unang alarma.

Aabot sa mahigit P5,000 ang halaga ng nasirang ari-arian sa lugar.

Sa ngayon, patuloy na inaalam ang sanhi ng sunog.

Read more...