MRT-3, muling nagkaaberya; 350 pasahero, apektado
Muli na namang nagka-aberya ang Metro Rail Transit o MRT-3, Linggo ng hapon.
Sa abiso ng Department of Transportation (DOTr), aabot sa 350 pasahero ang pinababa mula sa northbound train sa Ortigas station dakong 2:34 ng hapon.
Paliwanag ng ahensya, ito ay bunsod ng electrical failure sa kanilang motor.
Agad naman naisakay ang mga pasahero sa susunod na tren na dumating matapos ang isang minuto.
Sa ngayon, nagsagawa na ng preventive maintenance ang ahensya at pinalitan ang electrical components ng nagkaaberyang tren.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.