Pagbaba ng self-rated poverty, ikinalugod ng Malakanyang

By Isa Avendaño-Umali January 13, 2019 - 01:34 PM

 

Ikinatuwa ng Malakanyang ang pagbaba ng self-rated poverty sa hanay ng mga Pilipino, batay sa latest survey ng Social Weather Stations o SWS.

Sa isang statement, sinabi ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo na “welcome” sa Palasyo ang December 2018 survey ng SWS kung saan lumabas na 50% ng mga pamilyang Pilipino ang ikinukunsidera ang kanilang sarili bilang mahirap.

Mas mababa ito kumpara sa 52% na naitala noong September 2018.

Ayon kay Panelo, base sa polling firm ay tinatayang nasa animnaraang libong pamilyang Pinoy ang hindi na itinuturing ang kanilang sarili bilang mahihirap.

Binanggit pa ng Palace official ang lumabas din sa December 2018 SWS survey kung saan bumaba sa 34% ang Filipino families na ikinukunsidera ang mga sarili bilang “food poor” mula 36% noong September 2018.

Sinabi ni Panelo na ang “improvement” sa survey ay maaaring may kinalaman din sa pagbaba ng inflation rate noong nakalipas na buwan, na nasa 5.1%.

Umaasa naman si Panelo na sa pamamagitan ng mga hakbang ni Pangulong Rodrigo Duterte at ng administrasyon, at pagpapagaan sa epekto ng inflation sa mga bilihin ay maraming pamilya Pilipino ang patuloy na makararamdam ng ginhawa ngayong 2019.

 

 

TAGS: Malacañang, self rated poverty, SWS, Malacañang, self rated poverty, SWS

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.