Dating Foreign Affairs Sec. Yasay, pinaiimbestigahan ang “DFA passport mess”

By Isa Avendaño-Umali January 13, 2019 - 10:21 AM

Hinimok ni dating Foreign Affairs Secretary Perfecto Yasay ang gobyerno na imbestigahan ang muling lumutang na isyu sa mga pasaporte.

Sa kanyang Facebook account, sinabi ni Yasay na bunsod ng aniya’y “stinky passport issue,” marapat na magsagawa ng isang “impartial and thorough investigation” sa lalong madaling panahon.

Sa naunang post, kinuwestyon ni Yasay kung bakit kailangang magsakripisyo ang publiko sa kapalpakan ng ilang opisyal ng gobyerno.

Isiniwalat din ni Yasay na mayroong isang pribadong printing company na umano’y ilegal na nagpo-produce ng electronic passports para sa Department of Foreign Affairs o DFA kahit pa ang proyekto ay hawak ng ibang kumpanya.

Aniya, noong August 1, 2006, ang Bangko Sentral ng Pilipinas o BSP at DFA ay pumasok sa isang memorandum of agreement o MOA ukol sa procurement at centralized production ng machine readable electronic passports o MREPs, “in compliance” sa standards na itinakda ng International Civil Aviation Organization o ICAO.

Inaward ng BSP, sa pamamagitan ng bidding, ang proyekto sa Francois-Charles Oberthur Fiduciare o FCOF, isang French firm na may opisina sa Makati.

Pero ani Yasay, habang nagpo-produce ang FCOF ng passports sa ilalim ng ICAO standards, inaward ng DFA noong October 5, 2015 ang produksyon ng bagong E-Passport system sa APO Production Unit Inc. o APUI, isang government printing facility.

Ayon kay Yasay, may nilabag ang APUI matapos nitong kunin ang serbisyo ng United Graphic Expression Corporation o UGEC para sa produksyon ng  new E-passports.

Noong panahong iyon, ang kalihim ng DFA ay si dating secretary Albert Del Rosario.

Sinabi ni Yasay na noong February 7, 2017, nang siya pa ang DFA chief, inatasan siya ni Pangulong Rodrigo Duterte na makipag-usap sa BSP para mailipat sa central bank ang printing ng MREPs. Gayunman, tumanggi raw ang BSP.

Maging ang ngayo’y Presidential spokesperson na si Salvador Panelo ay nagsabi noon na ilegal ang printing ng mga pasaporte ng UGEC, at iginiit nito na i-reconvey sa DFA ang mga personal data, source code, data center, at iba pang impormasyong kaugnay sa e-passport printing.

Ani Yasay, ibinahagi niya ang nalalaman upang matulungan si Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr. sa pag-aayos ng isyu at matiyak na hindi na mauulit ang “past mistakes” ng ibang DFA officials na nakipagsabwatan daw sa ibang ahensya.

Dapat din aniyang siyasatin ang usapin nang walang “political bias or cover-up” upang malaman ng publiko. ang buong katotohanan.

TAGS: DFA passport mess, Perfecto Yasay, DFA passport mess, Perfecto Yasay

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.