Nagkaroon ng aberya sa isang tren ng Metro Rail Transit o MRT-3 kaninang 6:27 ng umaga (January 13).
Batay sa abiso ng MRT-3, pinababa ang nasa pitumpu’t limang pasahero ng isang southbound train sa Kamuning station.
Electrical failure sa motor ang dahilan ng aberya.
Makalipas ang dalawang minuto ay nakasakay ang mga apektadong pasahero sa sumunod na tren.
Sinabi ni Michael Capati, director for operations ng MRT-3, isinaayos na ang nasirang tren.
Humingi naman ng paumanhin ang pamunuan ng MRT-3.
DOTr MRT-3 ADVISORY
13 January 2019A Southbound (SB) train unloaded at Kamuning station due to ELECTRICAL FAILURE IN OUR MOTOR at 6:27AM today.
The whole train was unloaded, with approximately 75 passengers. pic.twitter.com/d8dtNnoxYk
— DOTr MRT-3 (@dotrmrt3) January 12, 2019
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.