Tricycle driver, nahulihan ng droga sa Comelec checkpoint sa Maynila

Contribute photo

Timbog ang isang tricycle driver matapos mahulihan ng hinihinalang shabu sa Comelec checkpoint sa New Panaderos St., Sta. Ana, Maynila.

Kaninang hatinggabi ay umarangkada na ang paglalatag ng checkpoint ng Philippine National Police (PNP) bilang bahagi ng pagsisimula ng election period.

Ayon kay NCRPO Chief Director Guillermo Eleazar, nahuli ang tricycle driver sa checkpoint na inilatag ng Sta. Ana Police.

Kwento ni Eleazar, nanginginig ang drayber nang pahintuin at hingian ng lisensya.

Nang inspeksyunin ang pitaka ng drayber, tumambad sa mga pulis ang dalawang sachet ng hinihinalang shabu.

Depensa naman ng drayber, hindi kanya ang mga plastic sachets at iniabot lamang ito ng kanyang pasahero kasama ang bayad.

Ibinida ni Eleazar na ang checkpoints ng Comelec ay makatutulong hindi lamang sa halalan kundi maging sa pagsugpo sa krimen.

Read more...