5 patay, 3 sugatan sa engkwentro ng mga pulis sa Negros Oriental
Limang pulis ang namatay sa engkwentro ng mga miyembro ng Philippine National Police – Regional Public Safety Battalion (RPSB) Central Visayas at mga kasapi ng Civil Security Group (CSG) na isa pang unit ng PNP.
Dalawa naman ang nasugatan mula sa RPSB at isa sa CSG ng Bais City.
Ayon sa inisyal na report, humingi ng tulong ang station manager ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) sa Mabinay sa RPSB-7 sa pamumuno ni Insp. Lowelyn Reyes para puntahan ang umano’y mga armadong kalalakihan na naroon.
Tinawagan rin ng pinuno ng CSG na tinukoy lamang sa pangalang Lasmarias ang Bais police para din humingi ng tulong.
Nagtagpo ang RPSB-7 at ang grupo ng CSG ng Bais sa Mabinay pasado alas dos ng hapon ng Miyerkules.
Napansin umano ng isang tauhan ng RPSB-7 na may naka-umbok sa may bewang ng taga CSG kaya hiniling nito na mainspeksyon ang nasabing CSG personnel.
Ngunit, bigla na lamang umanong pinaputukan ng isa sa mga kasapi ng CSG ang mga pulis RPSB-7 at nag-hudyat ng engkwentro.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.