Locsin, nangakong sosolusyonan ang pagnanakaw sa passport data

By Rhommel Balasbas January 13, 2019 - 02:05 AM

Tiniyak ni Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr. na sosolusyonan sa ilalim ng kanyang liderato ang nangyaring pagnanakaw sa passport database ng dating outsourced passport maker.

Sa kanyang tweets nitong Sabado, iginiit ng kalihim na ang problema sa pagkawala ng data ay nagsimula sa administrasyon ni dating Pangulo at ngayo’y House Speaker Gloria Macapagal Arroyo.

Lumala pa anya ito sa panahon ng administrasyon ni dating Pangulong Benigno Aquino III.

Sinabi ni Locsin na kanyang pananagutin ang mga dilawan na pumasok sa naturang passport deal.

Aminado si Locsin na banta sa national security ang nangyaring data breach.

Gayunman anya, mananatili siyang mahinahon dahil hindi naman anya nangyari ang naturang isyu sa ilalim ng kanyang pamumuno.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.