Ayon sa French authorities, gas leak ang sanhi ng pagsabog na kalauna’y nauwi sa sunog.
Basag-basag ang mga bintana at bumaligtad pa ang mga sasakyan sa lugar dahil sa lakas ng pagsabog.
Iniligtas ng mga bumbero ang mga biktima mula sa mga bintana at inilikas ang ilang mga residente dahil sa makapal na usok.
Samantala, bukod sa dalawang bumbero, 47 katao rin ang sugatan kung saan 10 dito ang kritikal ang kondisyon.
MOST READ
LATEST STORIES