Laoag, Ilocos Norte niyanig ng magnitude 4.7 na lindol

By Rhommel Balasbas January 12, 2019 - 10:30 PM

(UPDATED) Niyanig ng magnitude 4.7 na lindol ang Ilocos Norte kaninang alas-9:20 ng gabi.

Batay sa earthquake information no.3 ng Phivolcs, ang episentro ng lindol ay sa layong 15 kilometro Timog-Kanluran ng Laoag, City.

May lalim itong 33 kilometro at tectonic ang dahilan.

Naramdaman ang Intensity IV sa mga bayan ng Paoay, Banna, Baccara, Pinili at Laoag City sa Ilocos Norte; at bayan ng Sinait sa Ilocos Sur.

Intensity III sa mga bayan ng Pagudpud at Pasuquin sa Ilocos Norte; mga bayan ng Santa, San Vicente, Caoayan, Magsingal, at Cabugao sa Ilocos Sur; at Piat, Cagayan.

Ayon sa Phivolcs, hindi naman inaasahan ang pinsala sa mga ari-arian dahil sa lindol.

Hindi na rin inaasahan ang mga kasunod pang pagyanig o aftershocks.

TAGS: Ilocos Norte Earthquake, Philippine Institute of Volcanology and Seismology, Ilocos Norte Earthquake, Philippine Institute of Volcanology and Seismology

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.