Pahayag ito ni Privacy Commissioner Raymund Liboro matapos sabihin ni Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr. na kinuha ng tinanggal nilang kontratista ang lahat ng data sa pasaporte nang tanggalin nila ang kumpanya.
Ayon kay Liboro, ipapatawag nila ang DFA outsourced firm, mga opisyal ng DFA at ibang kaukulang ahensya ng gobyerno para matukoy ang detalye ng kaso.
Dapat anyang maipaliwanag ang anumang pagkawala ng personal data at paglabag sa privacy rights.
Ang hakbang ng NPC ay kasunod ng anunsyo ng DFA na kailangang magdala ng birth certificate ang mga magre-renew ng pasaporte dahil wala na silang kopya sa kanilang database ng personal data ng passport holder.
Samantala, sinabi ni Chief Supt, Marni Marcos Jr., Philippine National Police-Anti-Cybercrime Group (PNP-ACG) director, hindi pa na-report sa PNP cyber-crime division ang pangyayari pero aaksyunan nila ito oras na idulog sa kanila.
Iginiit ni Marcos ang halaga ng proteksyon ng personal na impormasyon ng isang indibidwal gaya ng nakalagay sa pasaporte.
Anumang paglabag anya ay sakop sa umiiral na batas ukol sa data privacy.