Pagkawala ng Passport data, iimbestigahan ng National Privacy Commission

By Len Montaño January 12, 2019 - 07:52 PM

Iimbestigahan ng National Privacy Commission (NPC) ang pagkawala ng data sa mga passport matapos ibunyag ng Department of Foreign Affairs (DFA) na kinuha ito ng dati nilang contractor.

Pahayag ito ni Privacy Commissioner Raymund Liboro matapos sabihin ni Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr. na kinuha ng tinanggal nilang kontratista ang lahat ng data sa pasaporte nang tanggalin nila ang kumpanya.

Ayon kay Liboro, ipapatawag nila ang DFA outsourced firm, mga opisyal ng DFA at ibang kaukulang ahensya ng gobyerno para matukoy ang detalye ng kaso.

privacy.gov.ph photo

Dapat anyang maipaliwanag ang anumang pagkawala ng personal data at paglabag sa privacy rights.

Ang hakbang ng NPC ay kasunod ng anunsyo ng DFA na kailangang magdala ng birth certificate ang mga magre-renew ng pasaporte dahil wala na silang kopya sa kanilang database ng personal data ng passport holder.

Samantala, sinabi ni Chief Supt, Marni Marcos Jr., Philippine National Police-Anti-Cybercrime Group (PNP-ACG) director, hindi pa na-report sa PNP cyber-crime division ang pangyayari pero aaksyunan nila ito oras na idulog sa kanila.

Iginiit ni Marcos ang halaga ng proteksyon ng personal na impormasyon ng isang indibidwal gaya ng nakalagay sa pasaporte.

Anumang paglabag anya ay sakop sa umiiral na batas ukol sa data privacy.

 

 

 

 

TAGS: Birth Certificate, Commissioner Raymund Liboro, DFA, DFA Sec. Teddy Boy Locsin, National Privacy Commission, passport, Passport Renewal, Birth Certificate, Commissioner Raymund Liboro, DFA, DFA Sec. Teddy Boy Locsin, National Privacy Commission, passport, Passport Renewal

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.