Jinkee Pacquiao, nais ng magretiro si Manny matapos ang laban kay Adrien Broner

By Len Montaño January 12, 2019 - 07:02 PM

Photo by Elton Lugay, Inquirer

Kung siya ang masusunod, nais ni Jinkee Pacquiao na magretiro na sa boksing ang asawang si Senator Manny Pacquiao matapos ang laban kay Adrien Broner.

Pansamantalang nagretiro sa ring si Pacquiao noong April 2016 matapos ang ikatlong laban kay Timothy Bradley pero bumalik ito sa boksing at lumaban kay Jessie Vargas makalipas ng 7 buwan.

Sa isang panayam ay sinabi ni Jinkee na napag-uusapan na nila ni Manny ang retirement dahil mabigat na trabaho ang boksing para sa kanilang 2.

Sakali anyang manalo kay Broner, dasal ni Jinkee na magreretiro na ang mister ngayong taon.

Noong Disyembre ay nagdiwang ng kanyang 40th birthday si Pacquiao at kumpyansa ito sa magiging magandang performance kontra Broner.

Ito ay matapos ang panalo ni Pacquiao kay Lucas Matthysse, una nitong knockout win mula noong 2009, at makuha ang World Boxing Association (WBA) welterweight title.

Pero tila walang pahiwatig ang Filipino 8-division champion na magreretiro na ito habang papalapit ang laban kay Broner dahil sa pakiramdam umano ni Pacquiao ay hindi pa edad 40 ang kanyang katawan.

Nakatakda ang Pacquiao-Broner fight sa January 19 sa MGM Grand Arena sa Las Vegas.

 

 

 

 

TAGS: Adrien Broner, Jinkee Pacquiao, manny pacquiao, Pacquiao-Broner fight, Adrien Broner, Jinkee Pacquiao, manny pacquiao, Pacquiao-Broner fight

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.