Darren Criss, ipinagdiwang ang Golden Globes award kasama ang inang Pinay

Ipinagdiwang ni Filipino-American actor Darren Criss ang kanyang parangal sa 76th Golden Globe Awards kasama ang kanyang inang Filipina.

Sa kanyang Instagram post ay ibinihagi ni Criss ang larawan nila ng kanyang ina na tubong Cebu kung saan makikita ang mag-ina na mahigpit na magkayakap.

Sa kanyang caption ay sinabi ni Criss na magkasama sila ng ina kinabukasan matapos siyang itanghal na Best Actor in a Limited Series or a Motion Picture Made for Television para sa “The Assassination of Gianni Versace” noong January 7.

Sa kanyang talumpati sa Golden Globe Awards ay ibinahagi nito ang award sa kanyang ina na isinalarawang nitong “firecracker Filipino woman.”

 

 

 

Read more...