PNP election checkpoints, kasado na simula mamayang hatinggabi
Kasabay ng simula ng election period paglampas ng hatinggabi sa Linggo, maglalagay na ang Philippine National Police (PNP) ng mga checkpoints sa strategic locations sa bansa.
Layon ng hakbang na makasabat ng mga baril, pampasabog at ibang armas na pwedeng magamit sa election period para sa May 13 mid-term elections.
Sa isang statement, sinabi ng PNP na magsasagawa ng checkpoint operations para sa halalan alinsunod sa Resolution No. 10468 ng Commission on Elections (Comelec).
Ito ay nakasaad din sa memorandum na inilabas ni PNP chief Director General Oscar Albayalde.
Sa ilalim ng memorandum, inutusan ang mga regional director na magsagawa ng checkpoint sa bawat 1,600 lungsod at munisipalidad sa bansa sa pakikipag-ugnayan sa local officer ng Comelec at territorial unit ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa lugar.
Samantala, ang Regional and Provincial Election Monitoring and Action Centers na magmomonitor ng lahat ng aktibidad at mahalagang accomplishments kaugnay ng eleksyon ay simula na rin bukas.
Ang 15-day election period ay mula January 13 hanggang June 12.
Una nang sinabi ng Comelec na ipapatupad ang 2019 election gun ban sa naturang period.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.