2 miyembro ng Maute group, sumuko sa Lanao del Sur

By Len Montaño January 12, 2019 - 03:13 PM

Sumuko sa militar ang 2 miyembro ng ISIS-inspired Maute group sa ilalim ni Abu Dar sa Lanao del Sur.

Ayon kay Lt. Col. Ian Agnes, commander ng Philippine Army 55th Infantry Battalion sa Pagayawan, nabatid sa kanilang inisyal na custodial debriefing na pagod na ang 2 sa pagtakbo at pagtakas mula sa kanilang grupo.

Isinuko rin anya ng 2 rebelde ang kanilang mga armas na caliber 9mm sub-machine at caliber .45 pistol.

Si Abu Dar, na kilala rin bilang si Owayda Morohombsar, ay naging pinuno matapos mamatay ang mga lider ng grupo sa giyera sa Marawi City.

Samantala, sinabi nina Col. Romeo Barwner, commander ng Philippine Army 103rd Infantry Brigade, patuloy ang operasyon ng militar laban sa mga rebelde at terorista kasabay ng rehabilitasyon ng Marawi.

Pinuri naman ni Major General Roseller Murillo, commander ng 1st Infantry Division at Joint Task Force Zampelan (Zamboanga Peninsula at Lanao Provinces), ang tropa ng gobyerno sa kanilang kampanya laban sa mga kalaban ng pamahalaan.

 

 

TAGS: abu dar, ISIS, Maute Group, abu dar, ISIS, Maute Group

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.