21 pulis ng Daanbantayan, Cebu, tinanggal sa pwesto

By Len Montaño January 12, 2019 - 02:42 PM

Tinanggal sa pwesto ng Police Regional Office sa Central Visayas (PRO-7) ang lahat ng tauhan ng Daanbantayan Police sa Cebu.

Ayon kay Chief Supt. Debold Sinas, director ng PRO-7, tinanggal sa pwesto ang 21 pulis ng Daanbantayan kabilang ang chief of police na si Senior Insp. Adrian Nalua.

Sinabi ni Sinas na ang pagtanggal sa mga miyembro ng Daanbantayan Police ay dahil sa kanilang low performance.

Sa loob ng 1 taon, nasa 11 operasyon lamang anya ang naisagawa ng naturang police station.

Bagamat hindi lang anya ang Daanbantayan Police ang mayroong kaunting operasyon, inasahan ng PRO-7 na mas marami pa ang nagawa ng istasyon.

Nasa 28 na pulis mula sa Regional Mobile Force Battalion ang pumalit sa mga tinanggal na pulis habang si Nalua ay pinalitan ni Chief Insp. William Jonoc.

 

 

TAGS: Daanbantayan Police, low performance, PRO-7, Daanbantayan Police, low performance, PRO-7

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.