Isang pasahero ng MRT, arestado dahil sa bomb joke
Arestado ang isang pasahero ng Metro Rail Transit o MRT-3 dahil sa bomb joke.
Sa inisyal na impormasyon mula sa MRT-3, dakong 10:30 a.m. ngayong Sabado (January 12) ay may isang hindi pinangalanang lalaking pasahero ang nagbitiw ng bomb joke habang sumasailalim sa bag inspection.
Nagpumiglas pa raw ang lalaki nang huhulihin na.
Agad na dinala ang naturang pasahero sa Police Detachment sa Shaw Boulevard Station.
Sa kasalukuyan, pinaiiral ang Presidential Decree 1727 o kilala sa tawag na “Anti-Bomb Joke Law.”
Ang mapapatunayang lumabag dito ay may parusang pagkakabilanggo ng hindi hihigit sa limang taon o multa na hindi lalagpas sa P40,000.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.