DFA, inaalam na kung mayroong Pinoy na nadamay sa Ottawa bus accident

 

Inaalam na ng Department of Foreign Affairs o DFA kung mayroong Pilipino na nadamay o naging biktima ng bus accident sa Ottawa sa Canada.

Ayon kay Ambassador to Canada Petronila Garcia, nakikipag-ugnayan na ang Philippine Embassy sa Ottawa sa mga otoridad upang mabatid kung mayroong Pinoy na nasangkot sa aksidente.

Batay sa huling ulat, sumalpok ang isang double-decker bus sa isang bus shelter sa Westboro station sa kasagsagan ng hour hour doon.

Tatlong katao ang nasawi, kabilang na ang dalawang pasahero at isang naghihintay lamang sa istasyon.

Dalawampu’t tatlo naman ang sugatan sa bus crash.

 

Read more...