Miss Universe Catriona Gray, excited sa muling pagkain ng Pinoy foods

By Len Montaño January 12, 2019 - 01:18 PM

Hindi itinago ni Miss Universe 2018 Catriona Gray ang kanyang excitement na muling makakain ng mga pagkaing Pilipino habang siya ay nasa New York.

Sa twitter video ng Miss Universe, sinabi ni Gray na ang mga isinilbi sa kanyang pagakain ay unang Filipino food na kanyang natikman habang nasa Amerika.

Ilan sa mga pagkain ang adobo, sinigang at adobo sa burrito na may longganisa.

Kinunan ang video ng Pinay beauty queen sa Flip Sigi, isang Filipino taqueria sa Downtown New York.

Si Gray ay nasa lugar para sa shooting para sa New York Post.

Noong nakaraang linggo dumating sa Estados Unidos ang dalaga para sa simula ng kanyang mga tungkulin bilang Miss Universe.

Sa linggong ito ay nag-guest si Gray sa iba’t ibang media outfits at programs gaya sa Good Morning America Live with Kelly and Ryan, Inside Edition, Celebrity Page, at AOL Build.

TAGS: 2018 Miss Universe, adobo, Catriona Gray, Filipino foods, sinigang, 2018 Miss Universe, adobo, Catriona Gray, Filipino foods, sinigang

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.