Unity walk, inter-faith rally para sa mapayapang 2019 midterm elections, isasagawa

By Isa Avendaño-Umali January 12, 2019 - 12:48 PM

 

Magkakaroon ng isang unity walk, inter-faith prayer rally at peace covenant signing bukas (January 13) sa Quezon City Memorial Circle.

Hangad ng aktibidad ang mapayapang pagdaraos ng May 2019 midterm elections.

Inaasahang magsasama-sama sa pagtitipon na ito ang iba’t ibang multi-sectoral groups, stakeholders, at mga opisyal at empleyado ng mga ahensya ng gobyerno.

Makikiisa rin ang mga miyembro ng academe, mga estudyante, civic at non-government organizations o NGOs.

Ang participants ng unity walk ay magsasama-sama simula alas-kwatro ng umaga sa Quezon City Hall partikular sa Sunken Garden. Pagkatapos ng unity walk ay gagawin na ang inter-faith rally at peace covenant signing sa Liwasang Aurora.

Ang aktibidad ay magtatapos sa pamamagitan ng pagpapalipad ng mga puting kalapati bilang simbolo ng peace and unity.

Pinayuhan naman ni Quezon City Police District o QCPD Director Police Chief Supt. Joselito Esquivel Jr. ang mga motorista na maghanap ng mga alternatibong ruta. Maaari kasi magdulot ng bahagyang pagbigat ng daloy ng trapiko ang pagtitipon, lalo na sa Elliptical Road.

Umapela rin si Esquivel sa publiko ng kooperasyon at pang-unawa sa posibleng abala na idulot ng aktibidad.

TAGS: Inter-faith rally, May 2019 midterm elections, Unity walk, Inter-faith rally, May 2019 midterm elections, Unity walk

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.