3 patay, 23 sugatan sa bus crash sa Ottawa

By Len Montaño January 12, 2019 - 11:35 AM SHARE(S):

Sumalpok ang isang double-decker bus sa isang transit shelter na ikinasawi ng 3 katao at ikinasugat ng 23 iba pa.

Ayon kay Police Chief Charles Bordeleau, arestado ang hindi pinangalanang bus driver pero tumanggi na itong magbigay ng karagdagang detalye kung bakit ito ikinulong.

Sinabi naman ni Ottawa Mayor Jim Watson na 2 sa mga namatay ay sakay ng bus habang ang 1 pa ay nasa shelter.

Ayon sa Ottawa Hospital trauma center, 9 na biktima ang nasa kritikal na kundisyon. 

Nangyari ang aksidente sa Westbro station kung saan nagtamo ng matinding pinsala ang bus sa harapang bahagi nito habang ang bubong ng shelter ay natanggal at napunta sa second deck ng bus.

Nagdulot naman ng trapik ang aksidente sa downtown Ottawa.

TAGS: bus crash, canada, Ottawa, bus crash, canada, Ottawa

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.