Approval ng Saudi para sa repatriation ng OFW na napatay ng kapwa Pinoy, hinihintay pa – DFA

By Isa Avendaño-Umali January 12, 2019 - 09:57 AM

Hinihintay pa ng Department of Foreign Affairs o DFA ang “approval” ng mga otoridad sa Saudi Arabia para sa repatriation ng bangkay ng isang Overseas Filipino Worker o OFW na napatay ng kapwa nito Pinoy.

Sa update ng DFA, sinabi nito na batay sa Philippine Embassy sa Riyadh ay inaasahang maglalabas ang mga otoridad ng approval pagkatapos ng imbestigasyon sa insidente.

Naisagawa na ang autopsy, at maaaring matanggap na ng mga otoridad doon ang report. 

Nauna nang sinabi ng DFA na ang biktima, na mula sa Pampanga, ay sinaksak ng isa pang Pilipino sa loob ng kanilang kwarto sa isang apartment building sa Saudi Arabia.

Ang suspek naman ay nasa “serious but stable condition” sa National Guard Hospital sa Riyadh, makaraang magtamo ng pinsala nang tumalon mula sa ikatlong palapag ng building.

Nakiusap naman si Ambassador to Saudi Arabia Adnan Alonto sa mga miyembro ng Filipino Community sa Saudi Arabia na iwasang magpakalat ng mga espekulasyon at hind beripikadong impormasyon ukol sa insidente.

 

TAGS: DFA, ofw, saudi arabia, DFA, ofw, saudi arabia

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.