LOOK: Liza Soberano, kahawig ng ina ni Atom Araullo

By Isa Avendaño-Umali January 12, 2019 - 07:53 AM SHARE(S):

 

Photo credit: @Arskwerd

Maraming fans ni Liza Soberano ang kumbinsido na kanyang kahawig ang ina ng broadcast journalist na si Atom Araullo.

Sa viral post ni @Arskwerd sa Twitter, makikita ang litrato nina Liza at Carol Araullo, na kilala bilang isang aktibong political and social issues activist at kolumnista.

Caption ng netizen, “Ako lang ba? May pagkakahawig si Liza Soberano at FQS young activist Carol P. Araullo? Pero hamak na mas maganda si Ka Carol (politically).”

Ang picture ni Liza ay kuha sa shooting para sa upcoming film nito na na Alone/Together, kasama ang kanyang rumored boyfriend at ka-loveteam na si Enrique Gil.

Nabatid na ang larawan ang kinunan sa Palma Hall ng University of the Philippines o UP Diliman.

Ang larawan naman ni Ginang Araullo, isang throwback picture kung saan nakalahay ang pangalan nitong “Carol Pagaduan” at kuha noong school year 1972-1973.

Ang fans ni Liza, ganda-ganda sa nanay ni Atom at naniniwalang may resemblance ang dalawa.

TAGS: Atom Araullo, Carol Araullo, Liza Soberano, Atom Araullo, Carol Araullo, Liza Soberano

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.