M3.1 na lindol naitala sa Eastern Samar

By Rhommel Balasbas January 12, 2019 - 04:19 AM SHARE(S):

Niyanig ng magnitude 3.1 na lindol ang bahagi ng Eastern Samar kaninang alas-3:39 ng madaling araw.

Ayon sa Phivolcs, ang episentro ng lindol ay sa layong 78 kilometro Hilagang-Silangan ng Borongan City.

May lalim itong siyam na kilometro at tectonic ang dahilan.

Wala namang inaasahang pinsala sa mga ari-arian at aftershocks.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.