Trough ng LPA magpapaulan sa Mindanao – PAGASA

By Rhommel Balasbas January 12, 2019 - 06:16 AM

Isang low pressure area (LPA) sa Silangan ng Mindanao ang binabantayan ng PAGASA sa kasalukuyan.

Sa 4am weather update ng ahensya, huling namataan ang sama ng panahon sa layong 1,290 kilometro Silangan-Timog-Silangan ng Mindanao.

Hindi ito papasok ng Philippine Area of Responsibility (PAR) at malabo ang tyansa na maging ganap na bagyo.

Sa ngayon, tanging hanging Amihan lamang ang nakakaapekto sa bansa partikular sa Luzon at Visayas.

Sa Bicol Region at Eastern Visayas, makararanas ng maulap na kalangitan na may mahina hanggang sa katamtamang mga pag-ulan dahil sa Amihan.

Sa nalalabing bahagi ng Luzon at Visayas, maalinsangan ang panahon na may posibilidad ng mga pulo-pulong pag-ulan.

Dahil naman sa trough o extension ng LPA, maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan, pagkulog at pagkidlat ang mararanasan ngayong araw sa Mindanao.

Ipinagbabawal ngayon ang paglaalayag sa Silangang baybaying dagat ng Camarines Provinces, Sorsogon, Eastern Visayas at Mindanao.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.