Ito ay matapos umani ng samu’t saring komento ang isang viral post sa social media kung saan ginamit bilang giveaway ang mga panties na may pangalan ng isang councilor.
Ayon kay Comelec Spokesperson James Jimenez, ang panties ay walang pinagkaiba sa t-shirts o mga sombrero na kadalasang ipinamimigay kapag kampanya.
Sa ilalim anya ng election laws ng bansa, hindi nakasaad kung ano lamang ang mga damit na pwedeng gamiting campaign material.
Nauna nang pinuna ni Comelec Commissioner Rowena Guanzon ang giveaway na panty.
Sinabi nito na dapat magkaroon ng mga alituntunin ang poll body tungkol sa mga campaign materials na dapat ipagbawal.