Panty, pwedeng gamiting campaign material ayon sa Comelec

By Rhommel Balasbas January 12, 2019 - 05:11 AM

Walang problema sa paggamit sa panties bilang campaign materials ayon sa Commission on Elections (Comelec).

Ito ay matapos umani ng samu’t saring komento ang isang viral post sa social media kung saan ginamit bilang giveaway ang mga panties na may pangalan ng isang councilor.

Ayon kay Comelec Spokesperson James Jimenez, ang panties ay walang pinagkaiba sa t-shirts o mga sombrero na kadalasang ipinamimigay kapag kampanya.

Sa ilalim anya ng election laws ng bansa, hindi nakasaad kung ano lamang ang mga damit na pwedeng gamiting campaign material.

Nauna nang pinuna ni Comelec Commissioner Rowena Guanzon ang giveaway na panty.

Sinabi nito na dapat magkaroon ng mga alituntunin ang poll body tungkol sa mga campaign materials na dapat ipagbawal.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.